Saturday, February 22, 2014

Bakit nga ba nakaaadik laruin ang Flappy Bird?


Noong una kong makita ang Flappy Bird, naisip ko: Ano kayang espesyal sa larong ito?




Upang malaman kung ano ang espesyal dito, sinubukan ko itong laruin.

Maiinis ka talaga dahil minsan sa unang pipe pa lamang, hindi mo na mapalusot ang Flappy Bird mo.
Pero kahit anong inis mo sa larong ito, susubukin mo pa ring matalo ang high score mo.
Sa tingin ko, ito ang kakaiba sa Flappy Bird.
Parang sa panliligaw din yan, mas hard-to-get ang babae, mas magsisikap ang lalaking mapasagot ito.

Pero ikaw, bakit ka naglalaro ng Flappy Bird?
Wala itong katapusan, ibig sabihin, walang naghihintay na prize para sa iyo sa dulo.
Sabi nila ang Flappy bird daw parang pag-ibig. Konting dikit mo lang, mahuhulog ka na agad.
Minsan, para din siyang buhay natin, ilang beses ka man mahulog dahil sa iyong problema, tatayo at tatayo ka pa rin.

Sabi nga nila: Try and try until you die.




Maaari rin natin itong mapasok sa politikal na konstekto gamit ang teoryang humanismo. Si Flappy Bird kasi, para siyang tao. At pinipresenta ng mga pipes ang mga problema o pagsubok na ating kinakaharap sa ating buhay. Subalit, hanggang may buhay may pag-asa. Parang Flappy Bird lamang, matapos mabangga at mahulog sa lupa, maaari kang magsimula muli- isang prinsipyo ng mga tao.